Home / Axolotl – Tagalog

Ang mga tubig-tabang na bangkalang (salamander) na ito ay nakatira sa malalim na katubigan ng mga paagusan ng Lake Xochimilco sa gawing timog ng Lungsod ng Mexico.

Dahil sa kanilang kakaibang hitsura at kasikatan sa mga video game, ang mga axolotl ay naging uso bilang mga alagang hayop. Gayunpaman, ilegal ang magmay-ari ng mga pambihirang ampibyang ito sa California at nangangailangan ang mga ito ng matinding pangangalaga. Ang aming pangkat ng mga dalubhasa sa akwatiko ay patuloy na sinusubaybayan, sinusuri, at ginagamot ang sensitibong tirahan sa tubig na ito, na nagbibigay ng isang mabuti at malinis na tahanan sa mga axolotl.

Ang malalalim na mga paagusan, na may maitim at malamig na tubig, ay nagbibigay ng angkop na tirahan sa mga axolotl. Ang mga paliku-likong paagusan sa dating mas malaking lawa, ang Lake Xochimilco, ay ang tanging lugar sa mundo kung saan matatagpuan ang mga axolotl.

Tulad ng lahat ng ampibyan, ang mga axolotl ay sensitibo sa mga pagbabago sa kanilang tirahan sa tubig. Ang tumataas na polusyon sa mga paagusan at pagkawala ng tirahan ay nagdulot ng pagbaba ng kanilang tinatayang populasyon ng mga buhay-ilang nang wala pang 1,000 indibidwal.